dzme1530.ph

CREDIT SA HOUSE LEADERSHIP

Loading

Binigyan kredito ni House Deputy Speaker Paolo Ortega V ang liderato ng Kamara sa maayos na pagpapatakbo na nagresulta sa pagiging produktibo.

 

Tinukoy ni Ortega si House Majority Floor Leader Sandro Marcos, na bagaman may constitutional mandate sila na umakto sa impeachment complaints, nanatiling ‘fully functional at productive’ ang Kamara.

 

Ang maayos na pag-shepherd ni Marcos sa pagpapatibay ng mga panukalang batas ay nakaayon sa legislative direction na itinakda ni Speaker Faustino Bojie Dy III.

 

Pinuri rin nito ang isinulong ni Marcos na HB 7432, o “No Work, No Pay for Members of Congress Act” na isang reform measure, at ang HB 7443 o proposed “abolition of travel tax” na naman ay economic measure.

Sa mga panukalang ito, nagre-reflect umano ang ‘strong commitment sa public accountability at economic growth.’

About The Author