dzme1530.ph

CREATE MORE bill, pirmado na ng Pangulo

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Create to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) bill.

Sa signing ceremony sa Malacañang ngayong Lunes ng umaga, isinabatas ng Pangulo ang Republic Act no. 12066.

Sa ilalim nito, aamyendahan ang National Internal Revenue Code para sa pagpapalakas ng tax incentive policy, at paglilinaw ng VAT zero-rating sa local purchases at VAT exemptions sa importasyon ng mga kaukulang produkto at serbisyo.

Lilimitahan din sa 2% ang registered business enterprise local tax (RBELT), at itatakda ang 100% additional deduction sa power expenses ng mga negosyo at korporasyon kaakibat ng 50% additional deduction sa reinvestment sa tourism industry.

Layunin nitong makahikayat ng mas marami pang investments sa Pilipinas.

Ang paglada sa batas ay sasaksihan nina Executive Sec. Lucas Bersamin, Senate President Francis “Chiz” Escudero, House Speaker Martin Romualdez, at iba pang opisyal. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author