dzme1530.ph

COVID variant na NB.1.8.1, mahigpit na binabantayan ng WHO

Loading

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang bansa sa Asya.

Ayon sa World Health Organization, sa kasalukuyan, binabantayan ngayon ang variant na NB.1.8.1, na sublineage ng JN.1 variant, dahil sa biglaang pagtaas ng bilang ng tinatamaan nito sa buong mundo.

Nabatid na unang naitala ang NB.1.8.1 variant sa China noong Enero.

Sa Pilipinas, nakitaan rin ng pagtaas ng posibleng kaso ng NB.1.8.1 variant, sa mga ospital.

Paliwanag ni Dr. Jose Rene De Grano ng Private Hospitals Association, pangunahing problema sa bansa ay ang kawalan ng routine testing.

Binigyang diin naman ng WHO, na bagaman mabilis ang paglaganap ng NB.1.8.1 variant sa Western Pacific Region, walang makapagpapatunay na mas delikado ito kumpara sa Omicron sub variants.

Sa ngayon, wala nang libreng bakuna kontra COVID na ipinamamahagi ang pamahalaan sa mga Pilipino.

About The Author