Nag-expire na ang tax relief measure na ipinatupad upang matulungan ang mga negosyo na makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic, ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act na naisabatas noong March 2021, 1% tax cut ang ibinigay para sa non-value added tax (non-VAT) taxpayers hanggang noong June 30.
Simula noong July 1, ang mga nagbabayad ng percentage tax sa ilalim ng national internal revenue code ay dapat nang magbayad ng orihinal na 3% rate ng kanilang gross quarterly sales o resibo.
Inaasahan naman na maghahain ang non-VAT tax payers ng percentage tax return o BIR form no. 2551q 25 araw matapos ang quarterly na pagbabayad ng buwis. —sa panulat ni Airiam Sancho