dzme1530.ph

COVID-19 public health emergency sa bansa, hiniling na alisin na!

Umapela si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa Malakanyang na alisin na ang COVID-19 public health emergency sa bansa.

Ayon kay Herbosa, hindi naman na matinding banta ang naturang virus sa kalusugan sa ngayon.

At kaya na aniya itong gamutin tulad ng ibang ordinaryong sakit gaya ng ubo, sipon at lagnat.

Gayunman, nilinaw ng kalihim na bagamat inirerekomenda niyang wakasan na ang state of emergency, mananatili pa rin ang alert level system sa bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author