Itinuturo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang COVID-19 pandemic at 2022 election ban bilang isa sa mga dahilan ng mga hindi nakumpletong proyekto.
Una nang kinalampag ng Commission on Audit (COA) ang ahensya kasunod ng inilabas na report kung saan 14 lamang mula sa 42 flood control projects ang natapos nito.
Sa datos ng COA, apat na proyekto sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1 program ang ongoing habang 29 ang nananatiling ipinatutupad simula noong December 31, 2022.
Tiniyak naman ng MMDA na tutugunan ng ahensya ang mga alalahanin ng COA tulad ng pagsasaayos ng mga proyekto at aktibidad sa bawat annual work plan and budget at mga programa sa ilalim ng General Appropriations Act, at pagpapaigting ng mga tungkulin ng project management office. —sa panulat ni Airiam Sancho