Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa publiko ang isasagawang corrective maintenance activity bukas, May 3, at sa May 17, sa Philippine Air Traffic Management Center (ATMC).
Ayon sa CAAP ang corrective maintenance na ito ay kinakailangan upang ayusin ang Automatic Voltage Regulator (AVR), palitan ang Uninterruptible Power Supply (UPS), at i-upgrade ang Air Traffic Management System (ATMS) A/B power supply.
Anila makakaapekto rin ito sa mga flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport (CRK), at Mactan-Cebu International Airport (MIAA), at ilang commercial flight sa 42 Airport na pinangangasiwaan ng CAAP.
Maglalabas ang CAAP ng Notice to Airmen (NOTAM) para sa pagsuspinde ng operasyon ng ATMC mula alas-2:00 hanggang alas-4:00 ng umaga sa Mayo a-3, habang alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-6:00 naman ng umaga sa May 17, 2023 para bigyang daan ang corrective maintenance ng Air Traffic Management Center. —sa ulat ni Tony Gildo