Nais tiyakin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maipatutupad ang medium-term development goals ng Marcos administration para sa pag-angat ng ekonomiya.
Kaugnay nito, iginiit niyang kailangang paigtingin ang koordinasyon sa pagitan ng Department of Budget and Management (DBM) at ng Kongreso sa ilalim ng panukalang ₱6.793 trillion national budget para sa 2026.
Ayon kay Romualdez, kailangang matugunan ng pambansang budget ang mga programang layuning iangat ang kabuhayan ng mga Pilipino at tiyaking abot-kamay ang mga serbisyong panlipunan.
Una nang inihayag ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na ₱6.973 trillion ang inaprubahang 2026 budget ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).
Inaasahang isusumite ng Palasyo ang panukalang budget sa Kongreso anumang araw matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 28.