dzme1530.ph

Contractors ng flood control projects may utang na ₱255-M na buwis sa Maynila

Loading

Ibinunyag ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi pa nagbabayad ng buwis ang ilang contractor ng flood control projects sa lungsod na umaabot sa ₱255 milyon.

Mula sa 35 contractors na nagkaroon ng proyekto sa Maynila, siyam lamang ang nakapag-ayos ng kanilang balanse na aabot sa ₱8 milyon.

Dagdag ng alkalde, nagpadala na ang City Hall ng statements of account (SOA) sa mga contractor upang ipabatid ang kanilang dapat bayaran. May ilan pa umanong tumangging tanggapin ang notice.

Binigyang-diin ni Moreno na halos 100 kumpanya ang pinadalhan ng SOA, bagaman ang ilan sa mga ito ay may multiple contracts.

About The Author