dzme1530.ph

CONTINGENCY PLANS AT COMMUNICATIONS LINES, PINATITIYAK NI SPEAKER DY SA DFA AT DMW

Loading

Sa harap ng joint attacks ng Amerika at Israel sa Iran, nanawagan si House Speaker Faustino Bojie Dy III sa DFA at DMW na tiyaking operational ang contingency plans at communication lines.

 

Umapila rin si Dy sa lahat ng Pilipino sa mga apektadong lugar na panatilihin ang ibayong pag-iingat at sumunod sa mga abiso ng pamahalaan.

 

Patuloy na binabantayan ng Kamara ang mga kaganapan sa Iran at sa malaking bahagi ng Middle East, dahil pinahahalagahan ni Dy ang kaligtasan ng mga OFWs na malaki ang ambag sa ekonomiya.

 

Kinilala rin ni Dy ang ‘decisive action” ni PBBM ng atasan nito ang lahat ng government agencies para i-locate lahat ang kinaroroonan ng lahat ng Pilipino sa Gitnang Silangan.

 

Umaasa ang Kamara para sa peaceful resolution ng kaguluhang ito, at nanindigan na kaligtasan ng lahat ang prayoridad.

About The Author