dzme1530.ph

Contempt ruling laban kay Quiboloy, kinontra ni Sen. Padilla

Kinontra ni Sen. Robin Padilla ang naging ruling ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Risa Hontiveros na i-cite in contempt si Pastor Apollo Quiboloy,

Sinabi ni Padilla na nag-oobject siya sa ruling ni Hontiveros.

Tinanggap naman ni Hontiveros ang objection ni Padilla subalit ipinaliwanag sa kanya na maaaring ma-overturn ang ruling ng chairperson sa pamamagitan ng majority vote ng lahat ng miyembro ng kumite.

Matapos naman ang maikling objection ni Padilla ay umalis na ito sa pagdinig.

Sa pagsisimula naman ng hearing, inilatag ni Hontiveros ang ilang mga punto na nabigyang diin na sa mga naunang pagdinig.

Kabilang dito ang posibleng kakulangan ng rape law para sa legal treatment ng konsepto ng consent kung saan dapat bang pagbigyan ang pagpayag  ng biktima dahil sa sakripisyo sa anak ng Diyos.

Ikalawa ay ang mga kakulangan sa labor laws kung saan dapat saklawin ang sinasabing labor activities na voluntary pero may parusa kapag hindi sumunod at kung kapag religious ay hindi na sakop ng batas.

Ikatlo ay may kinalaman sa trafficking na dapat maisama ang pamimilit sa mga indibidwal na mamalimos.

At ikaapat kung dapat magkaroon ng hiwalay na batas laban sa karahasan ng mga religious group.

About The Author