dzme1530.ph

Contempt order laban kay Atty. Harry Roque, binawi na ng QuadComm

Loading

Binawi na ng House Quad Committee ang contempt order na kanilang inisyu laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque, misis nitong si Mylah, dating economic adviser Michael Yang, at iba pang mga personalidad.

Ginawa ni Abang Lingkod party-list Rep. Stephen Paduano ang motion, sa huling hearing ng QuadComm sa mga pagpaslang na iniuugnay sa war on drugs ng Duterte administration at POGO operations.

Una nang ipinaliwanag ni Paduano na nakasaad sa contempt order na magtatagal ang kautusan hanggang sa matapos ang inquiry.

Naglabas ng contempt order ang QuadComm laban kay Roque at ipinag-utos ang pag-detain sa kanya noong nakaraang taon dahil sa pagtanggi nitong isumite ang mga dokumento na magbibigay-katwiran sa kanyang lumobong yaman.

Sa kasalukuyan ay humihiling ng Asylum sa The Hague, Netherlands si Roque na nahaharap sa kasong qualified human trafficking bunsod ng pagkakaugnay sa POGO firm na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

About The Author