Inamin ni Lawrence Lubiano, president ng Centerways Construction and Development Inc., na nag-donate siya ng ₱30 milyon kay Sen. Francis Escudero noong 2022 elections.
Sa pagdinig ng House Infra Comm, tahasang tinanong ni Rep. Chel Diokno si Lubiano ukol sa naturang campaign donation. Hindi ito itinanggi ni Lubiano ngunit nilinaw niyang personal niya itong pera at hindi mula sa kanilang kumpanya.
Dagdag pa nito, 2009 pa siya sumasali sa government bidding at karamihan sa kanyang napanalong proyekto ay nasa Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Cebu, at Masbate.
Mula 2022 hanggang kasalukuyan, nasa 80 proyekto na ang kanya umanong na-bid at karamihan ay sa Sorsogon, na balwarte ni Escudero.