Mas pinalawig pa ni Manila Police District (MPD) chief PBGen Andre Dizon ang magandang pakikitungo ng mga pulis-Maynila sa kani-kanilang nasasakupang barangay.
Ito’y upang mas mapaigting ang peace and order sa lungsod.
Bahagi ng mas pinaiigting na “Ugnayan sa Barangay” ay ang consistent police visibility at patrolling sa mga nasasakupan ng bawat police station.
Bukod dito, nais ni Dizon na ugaliin ng bawat pulis-Maynila ang barangay and establishment visitation bilang crime prevention at quick response sa oras naman na may pangangailangan ang komunidad.
Patuloy rin ang pakikipag-kapwa tao ng mga Pulis-Maynila sa pamamagitan ng pag-abot ng tulong o ayuda sa kaliwat-kanang outreach program na madalas isinasagawa ng MPD. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News