Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maibalik ang normal na connectivity sa Cebu ngayong linggo matapos ang magnitude 6.9 na lindol.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, 82% na ang connectivity ng Smart habang patuloy pa ang koordinasyon sa Globe at Dito upang ma-activate ang kanilang cell sites.
Dagdag pa ni Aguda, nakikipag-ugnayan na rin sila sa SpaceX para makapagpadala ng libreng Starlink sa Cebu bilang suporta sa emergency communications.