dzme1530.ph

Cong. Teves at 2 anak, nahaharap sa reklamong illegal possession of firearms

Sinampahan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng criminal complaints si Negros Oriental Oriental Cong. Arnie Teves at dalawa nitong anak kasunod ng pagkakakumpiska ng mga otoridad ng loose firearms sa bahay ng mambabatas.

Bukod sa kongresista, inakusahan din ang kanyang mga anak na sina Kurt Matthew at Axel ng paglabag sa Republic Act 10591 o mas kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act, at RA 9516 o Law on Explosives.

Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo na inihain ang reklamo sa mag-a-amang Teves sa Department of Justice (DOJ), kahapon.

Ayon kay Fajardo, nag-ugat ang reklamo sa search warrant na ipinatupad sa bahay ni Teves sa bayan ng bayawan noong March 10 kung saan nakasamsam ang raiding team ng iba’t ibang uri ng hindi lisensyadong armas at mga pampasabog.

Kaparehong asunto ang inihain din laban sa secretary ni Teves at lima pang indibidwal.

About The Author