![]()
Mag-iinhibit na rin si House Majority Leader Sandro Marcos sa buong impeachment process laban sa kanyang ama.
Ito ang naging pahayag ng Presidential Son isang araw matapos itakda ng House Committee on Justice sa Lunes Feb. 2 ang unang hearing sa impeachment cases ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Una na nitong inihayag ang pag-inhibit sa aktibidad ng committee on rules na may kaugnayan sa impeachment kung saan siya ang Chairman, habang sa Committee on Justice siya ay ex-officio member.
Saad ng batang Marcos, kailangan magampanan ng justice panel ang kanilang mandato independently, at in full accordance sa konstitusyon at rules of the house.
