dzme1530.ph

Cong. Salceda, nanghingi ng pang-unawa sa mga tumutulong sa pre-disaster relief at evacuation effort para sa Mayon evacuees

Humingi ng pang-unawa si Albay Cong. Joey Salceda sa mga sangay ng gobyerno na tumutulong sa pre-disaster relief at evacuation effort dahil sa Mayon Volcano activities.

Ayon kay Salceda, hindi pa talaga nangyayari ang actual eruption ng Mayon, at ang ginagawa nila ngayon ay paghahanda pa lamang sa pwedeng mangyari.

Base sa kanilang karanasan sa tuwing nag-aalburuto ang Mayon, tatagal pa ng ilang lingo o buwan bago maranasan ang explosive eruption.

Batid ni Salceda na nakakapagod sa panig ng national government agencies ang ganitong waiting game.

May malaking economic disruption din aniya ito dahil ngayon pa lamang, mahigit 5,000 magsasaka na agad ang apektado ng evacuation effort.

Iminungkahe rin ni Salceda ang cash-for-work dahil kailangan ng manpower para sa clean-up drive sa mga evacuation centers na as of June 13, ay may 4,286 families na, o 15,241 individuals mula sa mga bayan ng Daraga, Camalig, Guinobatan, Sto. Domingo, Malilipot, Bacacay at mga siyudad ng Ligao at Tabaco. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author