Nagpahayag ng pakikidalamhati at simpatya si Cong. Ron Salo sa pamilya at mahal sa buhay ng dalawang overseas Filipino workers na nadamay sa bakbakan ng Israeli forces at Hamas rebels.
Ayon kay Salo, chairman ng Committee on Overseas Workers Affairs, masakit sa kanya ang nangyari sa dalawang Filipino na madamay sa gulo na hindi naman sila kasali.
Dahil ditto, muling inungkat ng mambabatas ang panawagang bumuo ng “dedicated crisis management and response task force” para sa monitoring at pagpapatupad ng agarang aksyon kapag may mga ganitong problema sa lugar na may OFW.
Para kay Salo may ‘urgency’ na upang kumilos ang pamahalaan para sa posibleng paglala ng sitwasyon sa Gaza at Israel na maraming OFW at pamilya ang dito na naninirahan.
Ang pangamba at sakripisyo umano ng mga OFWs sa conflict areas ay ‘incomprehensible.’
Pinaalala din nito ang kahalagahan ng International Humanitarian Law bilang proteksyon sa karapatan at dignidad ng sibilyan sa conflict zones ay dapat mangibabaw bilang pagsunod sa Geneva Conventions. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News