dzme1530.ph

Cong. Rachel Arenas, umapela ng ceasefire sa bakbakan sa Israel

Umapela si Congressman Rachel Arenas sa Israeli authorities at grupo ng Hamas para sa agarang ceasefire kasunod ng madugong bakbakan ng dalawang grupo.

Si Arenas, Chairperson ng Committee on Foreign Affairs ay nalulungkot sa balitang may dalawang Pilipino na ang kumpimadong namatay dahil sa away ng Hamas at Israelis.

Kasunod nito nanawagan din si Arenas sa national government na bumuo ng quick response team o task force para sa mabilisang pagsaklolo sa mga naiiipit na Pilipino at pamilya nila sa conflict areas.

Ang task force ay mula sa Department of Migrant Workers, Department of Foreign Affairs, Philippine Embassies sa Tel Aviv, Amman, Jordan at Cairo, Egypt.

Ito umano ang maghahanap sa mga OFWs at pamilya nito na nasa lugar ng gulo sa Gaza at West bank. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author