dzme1530.ph

Cong. Pulong Duterte at Atty. Mans Carpio, inabswelto sa isyu ng droga

Hindi pa man nasisimulan ng Senado ang muling pagsisiyasat sa usapin ng droga sa magnetic lifter, tila inabswelto na ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sina Atty. Mans Carpio at Davao City Rep. Paolo Duterte.

Sinabi ni dela Rosa na sa pagkakakilala niya kay Carpio ay hindi ito makitaan ng senyales ng pagkakasangkot sa droga habang ang kongresista ay handang sumailalim sa pagsusuri.

Kasabay nito, muling pinuna ng senador ang nagbagong pahayag ni Customs Intelligence Officer Jimmy Guban na ngayon ay nagdadawit na sa dalawa sa droga.

Ayon sa senador, hindi kapani-paniwala ang pahayag ni Guban na pinipilit siya ng nakaraang administrasyon na idawit sa droga si dating Sen. Sonny Trillanes dahil maging siya ay hindi naniniwalang may kinalaman sa drug operation ang dating mambabatas. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author