![]()
Humingi ng paumanhin si Cavite Rep. Kiko Barzaga sa business tycoon na si Enrique Razon.
Nilinaw ni Barzaga na nag-sorry siya dahil sa personal issues na aniya ay “confidential,” subalit tuloy pa rin ang kaso.
Noong Jan. 14 ay nagsampa si Razon, Chairman ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) ng cyberlibel complaint laban sa Kongresista bunsod ng maling statements na ipinost nito sa kanyang social media account.
Sa Facebook post ni Barzaga noong Jan. 9, sinabi niya na tumanggap ang mga Kongresista ng National Unity Party ng suhol mula kay Razon bago ang 2025 elections kapalit ng pagsuporta kay noo’y Speaker Martin Romualdez.
Inakusahan din ni Barzaga si Razon bilang mastermind sa likod ng korapsyon sa Kongreso.
