![]()
“Magpapatakot ka ba o gagampanan mo ang constitutional duty mo!”
’Yan ang mensahe ni Manila Cong. Joel Chua sa mga kasamang kongresista na iniintrigang may kapalit na pabor ang pagsuporta sa impeachment ni VP Sara Duterte.
Buo ang kumpiyansa ni Chua, chairman ng Committee on Good Gov’t and Public Accountability na “within reach” ang kailangang bilang para ma-transmit sa Senado ang Articles of Impeachment.
Pinagbasehan nito ang 54 to 1 votes sa Committee on Justice na nagdeklara ng sufficient in grounds ang 3rd at 4th impeachment complaints.
One-third o 106 ang threshold para madala sa Senado ang complaints at magdaos ng impeachment hearing.
Paglilinaw pa ni Chua, ang Kapulungan ay umaakto bilang pagsunod sa atas ng Konstitusyon, at hindi for political convenience.
