![]()
Sa ikatlong araw ng impeachment hearing sa House Committee on Justice, sinagot ni Congw. Gerville Luistro ang mga argumento na inilahad kahapon ng mga kongresista.
Ayon kay Luistro, mahigpit ang paghimay sa articles of impeachment dahil kailangan maging tama ang hatol o pagditermina nila sa sufficiency in substance.
Ilan sa key points kahapon ay ang disbursement documents na may lagda ni VP Sara Duterte, na may direct knowledge at accountability.
Base sa sworn affidavits na nasa complaint, inilahad ang procurement irregularities at handling ng public funds.
Pinuntuhan naman ni Rep. Rufus Rodriguez ang constitutional question, kung ang vice president ay dapat ma-impeach sa mga ginawa nito bilang kalihim ng edukasyon.
Muling binalikan ni Luistro ang analogy ni Cong. Benny Abante na itinaas nito ang dalawang kamay at sinabi, “one hand may act separately from the other, but there is only one brain directing both.”
Dagdag pa ni Abante, “dalawang kamay, isang utak, isang opisyal, isang pananagutan,” na ibig sabihin hindi pwedeng hatiin ang pananagutan depende sa title convenient, at ang saligang batas ay tumutukoy sa opisyal at hindi sa label.
