dzme1530.ph

Cong. Benny Abante, Jr., hinimok ang MTRCB na mas higpitan pa ang pagbabantay sa mga palabas na malaswa

Hinikayat ni Manila Cong. Benny Abante, Jr. ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na mas lalo pang higpitan ang pagbabantay sa mga palabas na malaswa.

Pahayag ito ni Abante, chairman ng Commitee on Human Rights matapos patawan ng 12-days suspension ang airing ng noontime show na “It’s Showtime” ng ABS-CBN.

Ayon kay Abante, trabaho ng MTRCB na bantayan at protektahan ang sambayanan laban sa malalaswa, bastos, vulgar at mararahas na palabas sa airwaves.

Aminado ito na lantad na lantad ang publiko sa mga palabas na telebisyon at online ng mga makamundong tema ng palabas, marahas at vulgar na usapan.

Para sa Bishop-turned-politician ng Maynila, sumosobra na ang mga palabas lalo na ang ilang noontime show kaya dapat nang kumilos dito ang gobyerno.

Iminungkahe rin nitong isabay na sa inilunsad na slogan ng Marcos administration na “Bagong Pilipinas” ang pag-promote ng “traditional Filipino Family values kung nais talagang i-transform ang lipunan sa “faith and family” values bilang pundasyon ng naayos na bansa. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author