Idineklara ng Anti-Terrorism Council (ATC) si suspended Negros Oriental Rep. Anolfo Teves Jr. at 12 iba pa bilang mga terorista, kaugnay sa umano’y ilang pagpaslang at paghaharass sa Negros Oriental.
Base sa Resolution No. 43 ng ATC na inaprubahan noong Hulyo a-26, kasama sa mga indibidwal na itinuring terorista na lumabag sa mga probisyon ng Anti-Terrorism Act sina: Congressman Arnolfo “Arnie” Alipit Teves, Jr, Pryde Henry A. Teves, Marvin H. Miranda, Rogelio C. Antipolo, Rommel Pattaguan, Winrich B. Isturis
John Louie Gonyon, Daniel Lora, Eulogio Gonyon Jr., Tomasino Aledro, Nigel Electona, Jomarie Catubay, at Hannah Mae Sumero Oray.
Kabilang sa violation ng mga naturang indibidwal ang may kaugnayan sa terorismo gaya ng pagpaplano, paghahanda, at pagpapasilidad ng komisyon ng terorismo; pagrerecruit sa terrorist organization; at pagbibigay ng material support sa mga terorista.
Matatandaang si Teves ay itinuturing na mastermind sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel De Gamo at ng walong iba pa noong Marso a-4. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News