![]()
Nagpaabot ng pasasalamat si Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kay Pang. Marcos Jr., sa pagkakasama ng first BARMM Elections sa LEDAC priority bills.
Ayon kay Adiong, Chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, ipinaramdam ni Pang. Marcos ang masidhi nitong commitment para masunod ang Bangsamoro Organic Law at makapamili ng gustong lider ang kanilang mamamayan.
Sa inaprubahan ng Committee on Suffrage, sa second Monday ng September 2026 idaraos ang first BARMM Parliamentary Elections, na masusundan tuwing ikatlong taon.
Para kay Adiong isa itong landmark step tungo sa pagtupad sa pangakong ’genuine autonomy at full democratic governance sa BARMM.
