![]()
Hinikayat ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang mamamayan na sumali sa talakayan hinggil sa panukalang Anti-Political Dynasty.
Sa public consultation na ginanap sa University of Science and Technology of Southern Philippines, sa Cagayan de Oro City, sinabi ni Adiong na ito ang oportunidad ng taumbayan na magsalita, at sila ay makikinig.
Nakinig umano sila sa mga taga-Cavite para sa Luzon leg ng consultation, gayun sa Cebu para sa visayas, at pagkakataon naman ngayon ng mga Mindanaoan na sabihin ang damdamin sa isyu ng political dynasty.
Mismong si House Speaker Faustino Bojie Dy III ang nag-utos kay Adiong bilang chairman ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms na lumabas ng Congress at dalhin sa mga komunidad across the country ang talakayan.
Bukod kay Adiong, nakibahagi sa CDO leg sina Deputy Speaker Bambi Emano, Reps. Jennifer Karen Lagbas, Lordan Suan, Keith Florez, Rachel Del Mar, Nathaniel Oducado, Sarah Jane Elago,
Sa panig ng publiko, nakibahagi ang mga kinatawan mula sa Barangay, SK, Academe o faculty, former IBP President, Simbahan, retired teacher, LGUs at iba’t ibang organisasyon.
