Moving forward na.
Ito ang sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III matapos maresolba ang “conflict” sa resolusyon ng NAPOLCOM na kumontra sa huling balasahan sa PNP.
Ayon kay Torre, naresolba na ang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng dayalogo sa loob ng organisasyon.
Mananatili sa kanyang posisyon si Lt. Gen. Bernard Banac bilang Deputy Chief for Administration o number 2 man ng PNP.