![]()
“Accountability, pagsunod sa rule of law, at paggalang sa dignidad at karapatan pang-tao” ang simbolo ng pagsisimula ng confirmation of charges hearing sa ICC laban kay former president RRD.
‘Yan ang binigyan diin ni Mamamayang Liberal Rep. at House Deputy Minority Leader Leila de Lima, sa sinimulan kagabi ang proseso sa The Hague.
Ayon kay de Lima, procedural step pa lamang ito kung itutuloy ang pagsasampa ng kaso at litisin si Duterte sa ICC.
Gayun pa man, nanindigan ang dating human rights chairperson na pumapanig siya sa taumbayan lalo sa mga naging biktima ng bigong war on drugs ni Duterte na nauwi sa mass killings.
