dzme1530.ph

Confidential funds issue, ipapaliwanag ni VP Sara sa harap ng Impeachment Court

Loading

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na sa impeachment trial na lamang siya magbibigay ng paliwanag kaugnay sa paggamit ng confidential funds.

Tugon ito ng Pangalawang Pangulo sa puna ni Manila Rep. Joel Chua, miyembro ng House prosecution team, na sana’y noon pa lamang ay nilinaw na ni Duterte ang isyu upang hindi na ito lumala.

Giit ni Duterte, dumalo naman siya sa mga pagdinig ngunit walang direktang tanong sa kanya ukol sa pondo.

Aniya, hindi siya tatangging magsalita, ngunit gagawin ito sa tamang panahon at sa pamamagitan ng tamang proseso.

Nauna na ring sinabi ng Bise Presidente na ang paggamit ng alyas ay karaniwan sa intelligence operations, kasunod ng isyung kahawig umano ng mga pangalan ng tumanggap ng pondo ang mga brand ng pagkain at cellphone.

Dagdag pa niya, isang intelligence expert ang haharap bilang resource person sa nalalapit na impeachment proceedings.