Posibleng maging wise investment ang paglalaan ng confidential fund sa Department of Agriculture (DA) sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na umaming ito ang unang pagkakataon na may alokasyon para sa confidential fund ang ahensya.
Sa panukalang budget ng DA, mayroong P50-M na alokasyon para sa confidential fund na gagamitin para palakasin ang paglaban sa smuggling.
Ayon kay Angara, kahit sa mga nakaraang pagdinig sa budget ay wala siyang maalala na may ipinanukalang ganito.
Sinabi ni Angara na posibleng maging wise investment sa bahagi ng gobyerno ang paglalaan ng budget para sa paglaban sa agri-smuggling lalo’t ang pinaguusapan ay hundreds of billions o tens of billions na halaga.
Gayunman, pagdedebatehan pa anya sa mga pagdinig kung dapat na mabigyan ng confidential fund ang DA at ito ay kukwestyunin at pag-aaralan pang mabuti ng mga senador oras na sumalang ang ahensya sa budget deliberation. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News