dzme1530.ph

Confidential at Intelligence Fund para sa 2024, lilimitahan ng Senado

Nangako si Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na lilimitahan nila ang pagbibigay ng Confidential at Intelligence Fund (CIF) sa ilang mga ahensya ng gobyerno.

Sa gitna ito ng pagsang-ayon ni Angara sa pahayag ni dating Senate President Franklin Drilon na higpitan at limitahan ng mga mambabatas ang paglalaan ng CIF sa mga ahensyang nakatutok lamang dapat sa security at peacekeeping intelligence operations.

Aminado si Angara na may punto si Drilon kaya titiyakin anya nila sa Senado na mabusising hihimayin ang hinihinging CIF ng ilang mga ahensya dahil hindi lahat ng tanggapan ay karapat-dapat na mabigyan nito.

Katunayan, ang unang hakbang anya nila ay ang maiging pagbusisi sa CIF ay pinangunahan na ni Senate President Juan Miguel Zubiri noong Miyerkules ang inisyal na pulong ang Select Oversight Committee on Confidential and Intelligence Funds.

Sinabi ni Angara na conscious sila sa Senado at nalalaman nila na dapat talagang limitahan ang pagbibigay ng CIF sa mga ahensyang humihiling nito.

Matatandaang iginiit ni Drilon na ang dapat na mabigyan ng CIF ay mga ahensyang direktang sangkot sa intelligence gathering para sa pagpapanatili ng seguridad, kapayapaan at kaayusan. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author