dzme1530.ph

Conclave, magsisimulang bumoto para sa bagong Santo Papa sa May 7

Loading

Kinumpirma ng Vatican na magtitipon-tipon ang Roman Catholic Cardinals sa isang secret Conclave para sa pagtatalaga ng bagong lider ng Simbahang Katolika simula sa May 7.

 

Napagpasyahan ang naturang petsa sa isang closed-door meeting ng mga Kardinal sa Vatican, na kauna-unahang pulong mula nang mailibing si Pope Francis noong Sabado.

 

Nasa isandaan tatlumpu’t limang Kardinal na pawang walumpung taong gulang pababa, at mula sa iba’t ibang panig ng mundo, ang kwalipikadong makibahagi sa Conclave na magluluklok sa bagong Santo Papa.

 

Ang dalawang nakalipas na Conclaves ay ginanap noong 2005 at 2013, na tumagal lamang ng dalawang araw.

About The Author