Iminungkahi ni AGRI Partylist Rep. Wilbert Lee, na palakihin ang Compulsory Third Party Liability Insurance (CTPLI) sa commercial vehicles.
Naalarma ang mambabatas sa balitang ilang malalaking aksidente na kinasangkutan ng malalaking commercial vehicles ang naganap.
Ayon kay Lee may mga namatay at nasaktan sa nangyaring aksidente, subalit 100,000 pesos lang ang kabayaran o indemnity sa CTPLI ng pamilya kung ang sanhi ng aksidente ay purely accident, habang 15,000 pesos lang sa “no fault indemnity.”
Sa House Bill 8498 ni Lee, nais nitong itaas ang CTPLI sa P6.7-M mula sa 100,000 at cover nito ang death at malubhang injury incurred per accident.
Mayo a-31 pa nang isulong ni Lee ang HB 8498, at sa paliwanag nito, ang increase ay depende sa bigat at klase ng serbisyong ibinibigay ng commercial motor vehicle. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News