Walang pagtutol ang mga Medical Cannabis Advocate sa Compassionate Special Permit para makabili ng medical cannabis bilang tugon sa dumaraming nangangailan ng gamot na ito.
Ayon kay Chuck Manansala ng Masikhay Research, bagamat pinapayagan ang Compassionate Special Permit sa pagbili ng medical cannabis, naniniwala ito na hindi ito para sa mga ordinaryong tao kundi para sa mga mayayaman lamang.
Aniya, ang mga may pera lamang ang makakabili ng imported na medical cannabis.
Sinegundahan naman ito ni Richard Nixon Gomez ng Bauertek Corporation kung saan sinabi nito na kayang gumawa ng bansa ng medical cannabis na mas mura, safe at hindi nakaka-high gaya ng mga iniisip ng marami.
Matatandaang, hindi pinahihintulutan ang medical cannabis sa bansa maliban lamang kung bibilihin ito sa ibang bansa na may kalakip na Compassionate Special Permit mula sa pamahalaan. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News