dzme1530.ph

Communist armed member na nag balik-loob sa pamahalaan, umabot na sa mahigit 100

Nasa 111 miyembro ng Communist Armed Group o New People’s Army (NPA) ang sumuko na sa iba’t ibang istasyon ng PNP sa MIMAROPA region mula January hanggang Hunyo ng ngayong taon.

Ayon kay Brig. Gen. Joel Doria, director ng Police Regional Office (PRO) 4B, ang MIMAROPA ay binubuo ng mga probinsya ng Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Base aniya sa report, mahigit 100 katao na ang nagbalik sa pamamahala ng gobyerno bunsod na rin ng pagkalagas ng maraming leader ng grupo.

Umaasa naman ang PNP na marami pa ang susuko bago matapos ang taon. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author