dzme1530.ph

Communications tower sa loob ng military camps, hihilinging tanggalin

Hihimukin ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipatanggal na sa loob ng kanilang mga kampo ang mga communications tower ng China.

Ang mga tower ay may kaugnayan sa China-backed Dito company para sa pagpalalawak ng saklaw ng kumpanya at pinangangambahang magamit sa pang-eespiya sa bansa.

Aminado ang lider ng Senado na nakakapangamba ang mga communications towers na ito kaya’t sa budget hearing anya ay kakausapin niya ang liderato ng AFP upang alisin na ang mga ito.

Samantala, idinagdag ni Zubiri na bukod sa communications tower, higit na nakababahala ang 40% ownership ng China sa National Grid Corporation of the Philippines na nangangasiwa sa suplay ng kuryente sa bansa.

Sinabi ni Zubiri na posibleng sa isang pindot lamang ng switch ay maaring mawawalan na ng suplay ng kuryente ang buong bansa.

Hihiling din ang senate leader ng executive session para sa lahat ng stakeholders upang maisulong ang pagpapaalis sa mga state owned company ng China sa mga sensitibong industriya ng bansa. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author