dzme1530.ph

COMMODORE JAY TARRIELA, MAY AMBISYON NA MAGING SENADOR – ATTY. HARRY ROQUE

Loading

Inakusahan ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque si Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Jay Tarriela na may ambisyon umanong maging senador.

 

Sinabi ni Roque na ginagamit ni Tarriela ang China bilang jumping board.

 

Naniniwala ang dating opisyal na ang mga pahayag ni Tarriela laban sa China ay bahagi ng istratehiya para mahalin ito ng taumbayan.

 

Pinayuhan din ni Roque ang PCG Official na gamitin nito ng tama ang bibig.

 

Aniya, dapat maunawaan ni Tarriela na bilang tagapagsalita, lahat ng sasabihin nito ay opisyal na pahayag din ng Pilipinas.

About The Author