dzme1530.ph

Committee hearings sa 2024 Budget, target tapusin ng Senado sa Oktubre

Nais ng Senate Committee on Finance at mga subcommittee nito na tapusin ang hearing sa panukalang 2024 Budget ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno bago matapos ang Oktubre.

Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara, kahit naka-break ang Kongreso sa buwan ng Oktubre ay magtutuloy-tuloy ang committee hearings para sa budget.

Ito ay dahil plano nilang tapusin ang budget hearings kung hindi sa kalagitnaan ay sa huling linggo ng buwan ng Oktubre.

Ipinaliwanag pa ng senador na target din nila habang break ay matapos ang committee report ukol sa panukalang 2024 Budget at mailatag sa plenaryo sa unang bahagi ng Nobyembre.

Matapos ang briefing ng Development Budget Coordination Committee sa mga senador ukol sa National Expenditure Program para sa susunod na taon, mag-uumpisa na ngayong linggo ang budget hearing.

Unang isasalang sa budget hearing ay ang panukalang pondo ng hudikatura. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author