Kinumpirma ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nakuha na nito ang commitment ng Vietnam para sa stable supply at affordable na presyo ng bigas na aangkatin ng Pilipinas.
Sa sidelines ng 44th AIPA ASEAN Parliamentary General Assembly sa Jakarta, Indonesia, nakaharap nito sa isang pulong si Vuong Dinh Hue, President ng National Assembly ng Vietnam, at dito ipinangako nito ang maayos na supply.
Kamakailan lamang sinabi ni PBBM na nag-aalala ito na posibleng kulangin tayo ng supply ng bigas dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong Egay at ang nakaambang El Nino o drought.
Bilang kapalit, nangako si Romualdez na handa ang Pilipinas na ibigay naman sa Vietnam ang mga kailangan nitong produkto at kagamitan.
Nagkaisa rin sina Romualdez at Hue na palawakin lalo ang areas of cooperation ng dalawang bansa partikular sa larangan ng enerhiya at digital transformation.
Personal ding inanyayahan ni Hue si Romualdez na bumisita sa Vietnam, para ibalik ang mainit na pagtanggap ng Kamara ng bumisita ito sa Pilipinas noong Nobyembre. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News