dzme1530.ph

COMELEC, walang natanggap na nuisance complaint laban sa sinumang aspirante sa BARMM elections

Walang natanggap na petisyon ang COMELEC laban sa nuisance candidates para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary elections sa susunod na taon.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na nag-lapse na noong Nov. 14 ang deadline para sa paghahain ng reklamo laban sa nuisance candidates.

Kabuuang 109 na aspirante para sa 65 parliamentary seats ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naghain ng kanilang Certificates of Candidacy.

Karamihan sa mga ito ay mula sa Lanao Del Sur na may 41; sumunod ang Maguindanao, 24; Maguindanao Del Sur, 15; Basilan, 14; Tawi-tawi, 10; at BARMM special geographic area na mayroong 5 aspirante. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author