Tumanggap ang Comelec ng vote-buying reports laban sa isang national candidate at tatlong party-list organizations kaugnay sa nalalapit na Halalan 2025.
Sinabi ni Comelec Commissioner Ernesto Maceda Jr., Chairperson ng Committee on ‘Kontra-Bigay’, na umabot na sa 63 reports ng illegal acts na may kinalaman sa May 12 elections ang natanggap ng poll body, as of April 10.
Karamihan aniya ng mga reklamo ay mula sa National Capital Region, Central Luzon, at CALABARZON, na kinasasangkutan ng pera; bigas, good at groceries; at pang-aabuso sa social assistance programs, gaya ng AKAP, AICS, TUPAD, at MAICS.
Hindi naman pinangalanan ni Maceda ang kandidato at tatlong party-list groups na inireklamo sa Comelec.