Kumpiyansa ang Comelec na malalagpasan nito ang target na 3 million new voters para sa 2025 national at local elections, anim na buwan pa ang nalalabi bago matapos ang voters registration.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, na as of April 8, nakatanggap na ang poll body ng mahigit 1.9 million na aplikasyon para sa registration, o halos 69% ng 3-million target.
Iniugnay ni Garcia ang matagumpay na registration sa malawak na information dissemination campaign ng Comelec at iba pang pro-active measures upang maging mas madali sa publiko, partikular sa mga kabataan na unang beses boboto, na magpa-rehisto, mag-reactivate ng registration, o magpalipat ng voting places.
Binuksan ng poll body ang pagpapatala noong June 12 at magtatapos ito sa Oct. 30, maliban sa Registration Anywhere Program (RAP) na hanggang Aug. 31 lamang.