Plano ng Comelec na simulan ang paghahanda para sa 2028 presidential elections ngayong taon.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang preparasyon para sa isang eleksyon ay dapat dalawang taon.
Idinagdag ng poll chief na ang 2026 ay para sa pagbalangkas ng terms of reference at kontrata para sa suppliers ng 2028 elections.
Pagdating aniya ng procurement ay maayos na maayos na at pagsapit ng unang bahagi ng 2027 ay mayroon nang delivery ng mga makina.
Inihayag ni Garcia na sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng panahon ang poll body para masuri ang mga makina at gumawa ng ilang kinakailangang adjustments.