dzme1530.ph

COMELEC, target makapag-imprenta ng 2.3-M official ballots para sa BARMM election sa susunod na buwan

Loading

Target ng Commission on Elections (COMELEC) na makapag-imprenta ng 2.3 milyong official ballots para sa 2025 Bangsamoro Parliamentary Elections sa susunod na buwan.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, kailangang handa na ang mga balota sa pagitan ng ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Agosto, dahil daraan pa ito sa mga prosesong gaya ng verification at packing bago ipadala sa mga field offices sa huling linggo ng Setyembre.

Target ng komisyon na matapos ang pag-iimprenta sa loob lamang ng isang linggo.

Dagdag pa ni Garcia, apat na araw ang ilalaan ng COMELEC para sa verification process upang masigurong accurate ang mga balota bago gamitin sa araw ng halalan.

About The Author