dzme1530.ph

Comelec, sinuspinde muna ang mga plebisito at special SK elections para sa mahahalagang Halalan sa 2025

Sinuspinde muna ng Comelec ang pagsasagawa ng mga plebisito at special Sangguniang Kabataan elections hanggang sa December 1, 2025 upang bigyang daan ang tatlong halalan sa susunod na taon.

Nagpasya ang Comelec en banc na i-reschedule ang mga ito para tutukan ang paghahanda sa tatlong eleksyon sa 2025 na kinabibilangan ng midterm polls, Bangsamoro Parliamentary Elections sa Mayo, at Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Inilarawan ng poll body ang 2025 bilang “super election year.”

Magkakaroon sana ng special SK elections sa Hulyo upang mapunan ang 139 at 533 vacancies para sa SK chairpersons at members, dahil walang kandidatong tumakbo para sa mga naturang posisyon noong May 2023 elections. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author