dzme1530.ph

Comelec, planong idaos sa gabi ang voter registration para sa Barangay at SK Elections

Loading

Pinag-aaralan ng Comelec na magsagawa ng voter registration sa gabi, upang mahikayat ang mas maraming Pilipino na magpa-rehistro para sa Dec. 1 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang naturang plano ay bahagi ng Enhanced version ng Register Anywhere Program (RAP) na itinakda simula July 1 hanggang 11.

Aniya, kabilang sa nais nilang pagdausan ng Enhanced RAP sa gabi ay mga airport, seaports, at workplaces.

Sinabi ni Garcia na sa pamamagitan nito ay wala nang dahilan para hindi magparehistro ang mga Pilipino.

Umaasa rin ang Comelec chief na ang karagdagang registration hours ay makatutulong sa kanila para maabot ang target na 1 million new registrants.

About The Author