dzme1530.ph

Comelec, planong i-post sa online ang SOCE ng mga kandidato para masuri ng publiko

Loading

Pinag-iisipan ng Comelec na i-post sa online ang Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs) ng mga kandidato, party-list groups at political parties upang masuri ng publiko.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na posibleng mai-post nila ang SOCEs sa online sa susunod na dalawang linggo dahil kailangan pa ng approval mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa vulnerability assessment.

Inihayag ni Garcia na sakaling makita ng publiko at mapansin na tila may mali o kulang sa mga isinumite, maaari nila itong ipabatid sa political and finance affairs department ng poll body upang agad na mapag-aralan at maimbestigahan.

Kahapon ang huling araw ng pagsusumite ng SOCEs ng mga kandidato, party-list groups at political parties na lumahok sa nagdaang May 12 midterm elections.

 

 

About The Author