dzme1530.ph

Comelec, planong i-donate sa public schools ang 8k Starlink units na ginamit sa Halalan 2025

Loading

Nasa 8,000 units ng satellite network na Starlink na ginamit sa katatapos lamang na midterm elections ang inaasahang ido-donate sa public schools.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang I-One Resource Inc., na distributor na ginamit para sa transmission ng election results ang magdo-donate ng Starlink devices, subalit tutulong sa pag-facilitate ang poll body.

Matatandaang ipinamahagi ng Comelec ang libo-libong Starlink units sa mga lugar na limitado ang connectivity para sa pagsasagawa ng 2025 National and Local Elections.

Idinagdag ni Garcia na suportado nila ang pagdo-donate ng devices sa Department of Education.

Kakaunti lang naman aniya ang Comelec offices, bagaman maraming lugar ang walang signal, lalo na sa mga munisipalidad sa geographically isolated and disadvantaged areas.

About The Author